Kagaya ng mga tao ang isang bansa ay mayroon ding mga karapatang tinatamasa upang umunlad at maproteksyunan ang sarili mula sa pang-aabuso ng isang bansa. Ang mga karapatang ito ay tiniyak ng mga batas pandaigidig. Narito ang mga karapatang tinatamasa ng mga bansang may soberanya.

  1. Karapatan sa Kalayaan

Karapatan ng bawat estadong pangasiwaan o pamahalaan ang sarili ito man ay pang-ekonomiya, panlipunan o pampulitika. Walang ibang bansang maaaring manghimasok, makialam at pumigil sa mga desisyon nito para sa bansa. Kung may mga bansang mangihihmasok o makikialam sa isang bansa, ang bansang pinanghimasukan o pinakialaman ay may karapatang makipaglaban o makipagdigma.

 

  1. Karapatan sa Pantay na Pribilehiyo

Sa batas pandaigdig, ang bawat estado ay may pantay na karapatan, tungkulin, at pribilehiyo anuman ang kanilang laki, yaman at kultuang mayroon. Ang mga malalakas na bansa o nangungunang bansang kabilang sa mauunlad o developed countries ay walang karapatang makialam sa mga papaunlad na bansa o developing  countries. Maaari lamang makialam ang isang bansa sa isang bansa kapag humingi ito ng tulong.

  1. Karapatan sa Saklaw na Kapangyarihan

Ito ang karapatan ng estadong gumawa at ipatupad ang mga batas at kautusan sa kanyang nasasakupan. Walang ibang magagawa ang mga bansa sa mga patakaran at batas na nais ipatupad nito. Kasama rin sa karapatang ito ng estado ang ipagtanggol ang mga mamamayang naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa.

 

  1. Karapatan sa Pagmamay-ari

Karapatan ng bawat estado ang mag-angkin o magmay-ari sa lahat ng ari-arian at bagay-bagay na nasa kanyang teritoryo. Kabilang ditto ang mga likas na yaman gaya ng tubig, lupa, bundok, mineral, langis, kagubatan, hayop at iba pa, maging ang mga yamang tao at mga embahada sa iabng bansa at ang lupaing kinatatayuan nito. Hindi magagamit ng ibang bansa ang mga ito nang walang pahintulot.

 

  1. Karapatan sa Pakikipag-ugnayan

Isa pa sa mga karapatan ng bawat estado ang makipag-ugnayan sa ibang bansa. Kabilang din dito ang karapatang magpadala at tumanggap ng mga kinatawan sa ibang bansa gaya ng mga diplomat at konsul. Layunin nitong makipagkasundo hinggil sa mga usaping pampulitika, pangkabuhayan, at pangkultura. Kasama ng karapatang ito an ghindi tumanggap ng mga kinatawang hindi karapat-dapat o tinatawag na persona nan grata dahil sa mga paglabag nito sa mga batas. Ang mga ganitong uri ng tao ay mahirap nang maibalik sa bansang nagpaalis sa kanya.